Posts

Papadjak o papadjak?

Hello Magandang araw sa mga makakabasa ng blog ko, ako'y nagbabalik para sumulat na naman ng mga walang kakwenta kwentang bagay na sumusuot lang sa singit ng aking utak kung meron man. Ngapala nahihilig ako ngayon sa pagpadjak oo tama ka sa nababasa mo PADJAK hindi PANDAK oo maliit ako pero hindi ako baliw para asarin ko ang sarili ko :p  Nung unang yugto ng taong 2015 naisip ko ano ba talga gusto ko mangyare sa buhay ko? Kumaen ng madame at mangolekta ng Baby Fats kahit matanda na ko o mag bike at unti unting gastusin ang aking mga cholesterol na nanunuot sa kaibuturan ng aking voluptous body. Nagisip ako ng mga ilang buwan para maisakatuparan ang aking maitim na balak sa aking mga taba, nagsaliksik ako ng maigi kay google (feeling ko nga dun kame naging close e) at alam nyo ba ano ang aking unang sinearch? ADVANTAGE OF RIDING A BIKE yan ang exact words na dumapo sa aking mumunting isip. Nagulat ako sa mga nilabas na sagot ng google lahat sila iisa ang sinasabi HOY PAPE M